ang buhay ay parang laro. ineenjoy natin habang nanalo tayo. 

nakakawalang gana pag patalo na tayo. 

at pag tiyak na talo, pinapatay natin ang laro. nagsawa na. 

pero babalik balikan parin naman natin ang larong yun. pero palaging ganun ang sitwasyon. laro habang nananalo, aayaw na pag talo na. 

ganun naman dapat talaga eh. pag nanalo laro lang, pag natatalo, wag mong biglang iwan nalang. tapusin mo, baka sakaling manalo kahit sobrang wala ka nang pag asa. eh di pag talo, edi talo! balikan mo nalang ng ibang araw. baka sakaling manalo ;)

STATE OF ORIGIN!!
I just want to touch your face

I just want to touch your face

alam kong di ka nagtatanong pero okay lang ako. all is well and fine.. andito ako ngayon sa may commons area ng pinagsstayan ko sa campus.. first time ko mapunta dito.. alam kong may tv dito pero di ko alam may foxtel sila (parang cable tv) 

di ako nagagawi dito kasi andaming tao sa umaga at pag gabi naman, mga koreano ang naglalaro dito.. kumbaga ginawa nilang frat house to.. may mga ping pong table at lounge dito kaya dito sili tumatambay..

natanong mo kung bakit wala ako sa kwarto ko? 1.) dahil paubos na ang internet ko. akalain mong sa 10gb ng internet ko, natira nalang 80mb. 2.) may nanonood na 3 amerikano sa kwarto ko at pangatlong beses ko na napanood yong palabas na yon. at 3.) kelangan kong matapos ang 3 final project ko ngayong week. 

di ko alam kung pano ko tatapusin mga project ko. andaming distractions.. di naman ako naglalakwatsa pero bat super distracted ako? wala din naman akong pera para madistract? ewan ko ba.

hayyy ayun lang, tinamad na ako. balik na ako ng kwarto ko. 

ps. lumipat na pala ako ng library. as usual walang progress ang projects.. hahah

sabi nila, masarap mag mahal. 

pardon my emo shit.

naniniwala ako sa lahat ng kabalastugan sangalan ng pagibig. lahat tayo takot. lahat tayo takot maiwan, masaktan, at higit sa lahat, mag isa. 

minsan maraming sumusuko dahil wala ng pag asa. pero marami din namang nakakapit pa, kahit alam nang wala namang sagot sa tinatanong nya. 

nung bata ako, wala akong iniiisip. maraming nahihilig sa damit, sapatos, mga materyal na bagay. naaalala ko yung exaktong araw na tinanong ako ng magulang ko kung ano gusto ko. sabi ko laruan. sabi nila, wag yun, yung magagamit ko daw, baka damit? sapatos? kahit anong bagay na kelangan ko. sabi ko, meron akong damit. iisa lang ang sapatos ko pero sapat na yun. tinignan ko ang cabinet, nakita ko yung mr.bogus ko na damit. paborito ko yun. mukhang bago pa din naman, atska minsan ko lang gamitin. so wala akong hihilingin pa, kung hindi laruan. oo alam ko, material, pero hindi ba’t importante yung emosyonal na naidudulot nito, kesa sa “pangangailangan” mo. kasi, ang laruan, ang makakapagpasaya sakin. kuntento ako sa meron ako. so gustong gusto ko ng laruan, pero hindi sakin nabigay. 

mukhang hindi sakin nabigay yun hanggang ngayon.

kahit hindi na nga laruan eh. kahit yung makakapagpasaya nalang sakin. okay na okay na. hindi ko na kelangan ng pera, ng materyal na bagay, pwedeng isakripisyo lahat.. :(

justdilla:

One thing I’m looking forward to when I have roommates is that they can go with me to go on late night food adventures. I’m always down to go out at night to eat, but I don’t know who’s ever available without having to bug them. 

So far, so good.

justdilla:

One day, things will go our way.